Isang bagay na hinding hindi niyo ako maaasahan :|
TAMAD AKO MAG-TEXT.
Hindi ako mahilig mag-kalikot ng cellphone ko. Tamad ako mag-reply sa mga texts. I find it boring. Madalas kasi non-sense lang din naman yung mga pinag-uusapan. Sayang lang sa load at time.
PARA YUN SAKIN AH.
Alam ko marami sa inyo ang adik sa pag-tetext. Pero hinding hindi nyo ako maaasahan pagdating sa phones. Pwede pa siguro sa computer. Pero sa cellphone? NAH!
Kaya nga lagi ako napapagalitan ni ***** kapag hindi ako nag-rereply sa mga text messages niya. Oo. Narereceive ko yung mga text messages. Pero kapag mag-rereply na ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kaya hindi na lang ako magrereply, haha! Kaya minsan nag-aalala si ***** lalo na kapag gabi na at hindi pa ako umuuwi. Hindi kasi ako marunong mag-reply :))))
Higit sa lahat! Wala pa ulit akong phone. Nabasa kasi.
August 25 pa.
Gusto ko sana PDA ulit :P
